Mga Tanong at Sagot

Ano ang pinaka-secure na paraan para mag-login ako?

Mag-sign in gamit ang isang Google account na naka-on ang two-factor authentication.

Gumagamit ba ang Hourglass ng mga online storage service (Dropbox, Google Drive, OneDrive, atbp.) para iimbak ang data ng aking kongregasyon?

Hindi, hindi gumagamit ang Hourglass ng mga online storage services para iimbak ang iyong data.

Ang mga developer at maintainer ba ng Hourglass ay mga Saksi ni Jehova?

Oo. Hourglass ay nilikha ng mga kapatid na masigasig na gustong maganap ang kanilang mga atas gamit ang makabagong teknolohiya.

Magkano ang gastos sa paggamit ng Hourglass?

Hindi tulad ng ilang programang idinisenyo para sa mga kongregasyon, ang Hourglass ay hindi ginawa para kumita.

Walang bayad ang paggmit ng Hourglass, pero may mga gastusin bawat buwan para mapanatili itong available. Ang mga donasyon ay lubos na pinahahalagahan.

Sumusunod ba ang Hourglass sa GDPR (o mga katulad na batas sa privacy ng data)?

Oo, sumusunod ang Hourglass sa GDPR at mga katulad na batas sa privacy sa ibang mga bansa. Ang karagdagang detalye tungkol sa patakaran sa privacy ay sa hourglass-app.com. Ang mga lokasyon ng mga data at anumang paglilipat sa pagitan ng mga ito ay pinoprotektahan ng naaangkop na mga pananggalang, kabilang ang Standard Contractual Clauses.

Maaari ba akong tumulong na isalin ang Hourglass sa ibang wika?

Kung gusto mong tumulong sa pagsasalin, makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon sa ibaba.